TINGNAN: Pawikang may bigat na 200 kilo, natagpuang patay

ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2019 11:01 AM | Updated as of Jul 30 2019 11:45 AM


MAYNILA - Natagpuang patay at nakapulupot ng tali ang isang pawikang may bigat na 200 kilo sa baybayin ng Bula, Camarines Sur nitong Linggo.

Maaari umanong namatay ang pawikan sa pagkalunod, ayon sa City Environment and Natural Resources Office ng Iriga.

Natagpuang patay ang isang pawikang may bigat na 200 kilo sa Camarines Sur, Linggo. Kuha ng DENR-Bicol

Pinaniniwalaan ding tinangka itong hulihin, ngunit dahil sa bigat ng pawikan ay hindi naging matagumpay ang paghuli.

 

Inilibing ang pawikan 200 metro mula sa baybayin ng Barangay Caraosan kung saan ito natagpuan.

Hinikayat ang publiko na iulat ang mga ganitong insidente at i-turnover sa mga awtoridad ang hayop para sa tamang pagbabalik nito sa kalikasan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.