Contributed photo
BUKIDNON—Sinita ng mga awtoridad ang 17 Chinese sa Valencia City, Bukidnon matapos mapag-alamang hindi sapat ang kanilang dokumento sa paninirahan sa bansa.
Nagsagawa ng inspection ang mga pulis at mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) noong Huwebes, Hulyo 25 at nadisubre nilang walang work permits ang karamihan sa mga dayuhan sa lungsod.
"Most of them are tourists but are engaged in business activities," ani Police Lt. Col. Surki Sereñas, hepe ng Valencia City Police Station.
Ilan sa mga dayuhan ay higit 1 taon nang naninirahan sa Valencia City at nakapagtayo ng negosyo kahit walang work permits.
Hindi na kinustodiya ng pulis ang mga ito at binigyan sila ng BI ng panahon para makapag-comply ng mga dokumento.
"Kapag hindi nila ma-comply ang kanilang immigration documents, babalikan sila ng taga-Bureau of Immigration para arestuhin," ani Sereñas.
Walang deadline na ibinigay ang BI kung hanggang kailan dapat kumpletuhin ng mga Chinese ang kanilang dokumento.—Ulat ni Rod Bolivar, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Regional news, Tagalog news, Chinese, Chinese nationals, Valencia City, Bukidnon, Bureau of Immigration, BI, work permit