Mag-asawa, 4 iba pa timbog sa Makati buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2019 05:22 AM | Updated as of Jul 30 2019 06:50 AM

MAYNILA—Arestado ang mag-asawa at 4 nitong tauhan sa buy-bust operation sa isang junk shop sa Barangay Southside, Makati City Lunes ng gabi.

Nasamsam sa mga suspek ang nasa 70 sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P33,000 at isang baril.

Napag-alaman din ng mga pulis na sangkot sa kasong rape ang may-ari ng junk shop at isang tauhan nito noong Hunyo.

Kinumpirma ito ng 16 anyos na biktima na pumunta sa police station nang maaresto ang mga suspek.

Ayon kay Police Maj. Gideon Ines ng Makati City police, modus umano ng mga suspek ang maglagay ng pampahilo.

"Ang modus nila ay tuturukan nila ng pampahilo saka isasakay sa van," aniya.

Itinanggi ng mga hinuli na sangkot sila sa pagtutulak. Pinabulaanan din ng 2 sa kanila na hinalay nila ang dalagita.—Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.