Karinderya at boarding house sa Pasig, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2019 04:34 AM | Updated as of Jul 30 2019 07:15 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA—Nasunog ang isang karinderya at boarding house sa Escriva Drive, Barangay San Antonio, Pasig City Lunes ng gabi.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy sa karinderya nang magliyab ang LPG tank.

"Kapag 'di nakonekta ng maayos ang hose sa LPG, mapupuno ng fumes ang bahay. Isang spark lang, possible na sumabog," ani FO3 Donna Faye Mallanta ng BFP-Pasig.

Nadamay sa sunog ang katabing boarding house.

Kuwento ni Michael Barrameda, nag-iinuman sila sa loob ng karinderya nang biglang nagliyab ang LPG tank habang may nagpiprito umano ng itlog sa kusina.

Inaalam pa ng mga bombero ang pinsala ng insidente.—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.