HULI SA CCTV: 2 batang babae nagnakaw sa internet cafe

Hernel Tocmo, ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2019 04:52 PM

Isa sa dalawang batang babae ang makikitang nililimas ang kaha ng internet cafe sa Davao City. Larawan mula sa kuha ng CCTV

DAVAO CITY - Nakunan sa CCTV ang pagnanakaw ng 2 menor de edad na babae sa loob ng isang internet cafe sa Toril, noong Hulyo 7.

Kuwento ni Giovannie Sabando, kakabukas lang niya sa binabantayang internet cafe, naglinis ng computer units at saglit na umalis.

Makikita sa CCTV ang pagpasok ng 2 babae at nang nalamang walang tao, dumiretso ang mga ito sa counter at kinuha ang perang aabot ng halos P4,000.

Ayon kay Police Captain Ma. Teresita Gaspan, tagapagsalita ng Davao City Police, na-rescue ang dalawa at dinala sa Bahay Pag-Asa at City Social Services and Development Office.

Sabi ni Gaspan, matagal nang nagnanakaw ang 2 bata at nagkaroon na ng voluntary commitment ang kanilang mga magulang para maipasok sila sa Bahay Pag-Asa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.