4 timbog sa droga sa Santa Cruz, Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2019 08:07 AM

MAYNILA - Arestado ang 4 katao sa ikinasang buy-bust operation sa Santa Cruz, Maynila nitong Lunes ng gabi.

Balik-kulungan si Richard Castro na target ng operasyon habang arestado rin ang 3 niya pang kasamahan na naaktuhang gumagamit ng droga. Nakuha sa grupo ang 28 pakete ng hinihinalang shabu.

Ayon kay Police Lt. Col. Noel Alinio, kilalang tulak ng droga si Castro na umaabot pa ang pagbebenta sa Central Luzon.

Nitong Abril lang, naaresto si Castro sa kasong droga at nakuhanan ng higit 200 gramo ng shabu. Non-bailable ang kaniyang kaso dahil sa dami ng ebidensyang nakuha kaya iimbestigahan kung paano siya nakalaya sa piitan.

Todo-tanggi naman ang apat sa paratang.

--Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.