10 anyos na bata, ginahasa umano bago patayin ng kapitbahay

ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2019 05:25 AM | Updated as of Jul 30 2019 07:13 AM

Watch more in iWantTFC

DAVAO DEL NORTE—Patay ang isang 10 anyos na babae matapos umano siyang halayin at ihampas sa puno ng kaniyang kapitbahay sa Kapalong, Davao del Norte.

Natagpuan ang bangkay ng bata sa taniman ng durian malapit sa kanilang bahay sa Barangay Suaon nitong Linggo.

Nahuli ng mga pulis ang suspek na inamin ang ginawang krimen.

Depensa ng suspek, ganti niya ito sa ama ng bata na nanghalay umano sa 14 anyos niyang live-in partner.

"Nag-advance ko. Mahirap nang maunahan tayo. Mabuting ako ang makapatay kaysa mapatay," pahayag niya sa Cebuano.

Kuwento ng isang batang nakasaksi sa insidente, ginahasa umano ang biktima bago patayin, bagay na itinanggi ng suspek.

"Totoo na pinatay ko pero hindi ko siya ni-rape. Ginawa ko lang iyon dahil sa atraso ng kaniyang ama... Hinampas ko siya sa puno ng rambutan at itinapon sa ilog," aniya.

Napag-alaman na 2 beses nang nakulong ang suspek dahil sa kasong attempted murder at rape.—Ulat ni Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.