PatrolPH

Trillanes, hinamon si Duterte na mag-drug test din

ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2018 06:54 PM

Hinamon ni Senador Antonio Trillanes nitong Lunes si Pangulong Rodrigo Duterte at ang iba pang miyembro ng pamilya nito na sumailalim sa drug testing.

Binitiwan ni Trillanes ang mga pahayag matapos siyang sumalang sa sorpresang drug test na isinagawa sa Senado nitong Lunes.

Ayon kay Trillanes, mahalaga na makita ng taumbayan na ang namumuno sa kampanya ng administrasyon kontra droga ay hindi nagdodroga.

"Dapat si Duterte mismo para malaman ng taumbayan na 'yung mismong namumuno ng war on drugs ay hindi impluwensiyado ng droga," sabi ni Trillanes.

Maging ang mga miyembro umano ng first family o ang pamilya ng pangulo ay dapat ding sumailalim sa drug test.

"Dapat magkusa sila kasi maraming pinapatay ang tatay nila kaya kailangan beyond reproach ang first family," dagdag niya.

Binitiwan ni Trillanes ang mga pahayag matapos siyang sumalang sa sorpresang drug test na isinagawa sa Senado nitong Lunes.

Bukod kay Trillanes, sumailalim din sa drug test sina Senate President Tito Sotto at iba pang senador na sina Gringo Honasan, Bam Aquino, Loren Legarda, at Juan Miguel Zubiri. 

Target umano na masailalim sa drug test ang 419 mula sa 1,698 empleyado ng Senado.

-- Ulat ni Robert Mano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.