Konsehal sa Cagayan, patay sa pamamaril

Harris Julio, ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2018 01:07 AM

TUGUEGARAO CITY - Patay ang isang konsehal ng bayan ng Rizal nang pagbabaralin ng hindi pa nakikilalang salarin pasado alas-sais ng gabi Linggo.

Sa paunang imbestigasyon, nagmamaneho ng kaniyang kotse si Councilor Alfredo Alvarez at habang binabaybay nito ang kalsada sa Barangay San Gabriel, Tuguegarao City ay bigla na lang itong pinaputukan ng gunman. 

Agad na nasawi ang 64-anyos na konsehal dahil sa natamong mga tama ng bala sa katawan. 

Ayon pa sa pulisya, pauwi na umano sa kaniyang tinutuluyang bahay sa lungsod ang biktima nang mangyari ang pamamaril. 

Patuloy na inaalam ang motibo at kung sino ang nasa likod ng pagpatay.

Nagsagawa na rin ng manhunt operation ang pulisya at bumuo ng Special Investigating Task Group para matutukan ang kaso.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.