Social media, maaaring magamit sa paghahanap ng trabaho

ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2017 02:39 PM | Updated as of Jul 30 2017 10:11 PM

Malaking tulong ang social media para makahanap ng trabaho at mapalawak ang professional network.

Kailangan lang, maingat sa pagpo-post dahil may mga employer na inaaral ang profile ng aplikante online. 

Sa online site na LinkedIn, maaari kang makabuo ng professional network. Puwede ka ring i-endorso ng ibang users, base sa iyong skills o kakayahan. 

Sa bagong datos, nasa apat na milyong Pilipino ang may account sa LinkenIn habang nasa 20,000 kompanya naman ang aktibo.

May payo naman ang online journalism expert na si Danilo Arao para sa mga naghahanap ng trabaho ngayon.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.