Turismo sa Ilocos Sur, apektado ng magnitude 7 na lindol

ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2022 11:46 AM

Watch more News on iWantTFC

MANILA – Naniniwala ang mga tour guide sa Ilocos Sur na apektado ang kanilang industriya ng magnitude 7 na lindol na yumanig sa Luzon nitong Miyerkules.

Matatandaang kabilang ang ilang mga heritage structures sa mga nasira sa matinding pagyanig.

Kuwento ng tour guide na si Arlene Alegre Gajeton, may mga turista nang hindi itutuloy ang kanilang mga planadong biyahe sa lalawigan.

“May mga nag-cancel po. May mga nag-cancel ng trips po nila,” sabi niya sa TeleRadyo.

Ayon kay Gajeton, nasa 60 tour guides sa Ilocos Sur at Ilocos Norte ang apektado ng naging trahedya.

“Hindi lamang po yun, mga kalesa ng drivers, yung mga nagtitinda ng souvenir kasi yung souvenir shops sa Vigan po, nasa along Calle Crisologo, sa mga old houses. Wala rin po silang benta.”

--TeleRadyo, 29 July 2022