PatrolPH

4-taong-gulang sugatan matapos mabaril sa loob ng bahay

ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2021 12:09 AM

Sugatan ang apat na taong gulang na lalaki matapos mabaril sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Maparat, Compostela, Davao de Oro, Martes ng gabi.

Batay sa imbestigasyon ng Compostela Municipal Police, nakaupo lamang ang bata sa tabi ng kanyang ama na 25-taong gulang.

Nakikipag-inuman ang kanyang ama na miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) kasama ang mga kaibigan nang biglang pumasok ang tatlong hindi pa nakikilalang armadong lalaki at namaril.

Tinamaan ng bala sa kaliwang bahagi ng baywang ang bata at dinala sa Davao de Oro Provincial Hospital sa bayan ng Montevista.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala na hinihinalang galing sa .45 at .40-caliber pistol.

Nagpapagaling pa sa ospital ang bata habang tinutugis na ng pulisya ang mga salarin at tinutukoy ang motibo ng krimen.

- ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.