Hamon para sa homeowners' association president na si Liborah Gomez at sa komunidad kung paano matutulungan ang iba pang nakatira sa kanilang lugar sa Barangay Bagong Pag-asa, Taytay, Rizal.
Nasa 2,000 pamilya kasi ang nawalan ng hanapbuhay bunsod ng coronavirus pandemic.
"Ang ginawa po namin, kami po ay may mga [non-government organization] na tumulong sa amin na makabigay ng mga relief goods," kuwento ni Gomez.
"Niluluto namin at saka pinapamiga... madaming natutuwa dahil nasagip naman po ang kanilang pangangailangan," ani Gomez.
Isa sa mga residente ay si Mary Jane Kantong, na dahil sa lockdown ay 2 buwan nang hindi nakapaghahanapbuhay bilang tindera ng fishball.
"Ito 'yong pinagkakakitaan namin. Dito kami kumukuha ng lahat ng pangangailangan. Diyan lahat," ani Kantong.
Buntis ngayon sa ikapitong anak si Kantong kaya pilit siyang bumabalik sa pagtitinda kahit matumal ang benta dahil limitado pa rin ang mga taong lumalabas.
"Dati mga 1,500 isang araw, ngayon parang 500 na lang," ani Kantong.
Kababalik lang din sa pangongolekta ng langis sa mga talyer ni Antonio Crusat matapos ang 2 buwang lockdown, pero hindi pa rin umano madaling ibalik ang dati niyang kita.
Kay Crusat umano umaasa ang kaniyang 5 anak at misis kaya kapag may dumadating na ayuda mula sa pagtutulungan ng mga kabarangay ay may pandugtong na sa kanilang mga pangangailangan.
"Malaking tulong talaga kasi kung wala 'yon lalo na kaming hirap," ani Crusat.
Mula rin sa pagtutulungan ang hinatid na relief packs ng Pantawid ng Pag-ibig sa 2,000 pamilya sa Barangay Bagong Pag-asa, kabilang iyong mga pamilya nina Kantong at Crusat.
Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa mga sumusunod na partner sa proyekto:
- Century Pacific Food, Inc.
- Rebisco
- Suy Sing Corporation
- Lucio Tan Group, Inc
- McDonald’s
- Safeguard
- Quick Chow Noodles
- Great Taste 3 in 1
- Sunsilk Shampoo
- Mega Sardines
- Generika Drugstore
- Champion Detergent
- Unilab
- Ritemed
- Hana Shampoo
- Coca-Cola
- Colgate Palmolive
- Kopiko
- Ligo Sardines
- CDO Foodsphere
- IPI
- Lucky Me
- PayMaya
Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:
- Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
- Intermed Marketing Phils, Inc
- Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
- Pampanga's Best
- RFM Fiesta Pasta
- Wilcon Depot
- Aboitiz Group
- Benby Enterprises Inc.
- Bistro Group
- Champion Detergent Bars
- Coca-Cola
- Green Cross
- Greenwich Binondo Branch
- Hanabishi
- Jollibee Binondo Branch
- Chowking Binondo Branch
- Kenny Rogers Roasters
- Lemon Square
- Master Sardines
- Nature’s Spring
- NutriAsia
- Philippine Egg Board Association
- Poten-Cee
- Silka Soap
- Starbucks Philippines
- Sun Life Foundation
- Tolak Angin
- Century Pacific Foundation
- JP Morgan
- Suy Sing Commercial Corporation
- Ajinomoto
- Beautederm Corporation
- Cebuana Lhuillier Foundation Inc
- Deli Mondo Food Specialties Inc
- JAKA Group
- GCash
- Lazada
- P&A Grant Thornton Foundation Inc
- PICPA Metro Manila
- Rotary Club of Makati
- SC Johnson
- SEAOIL
- TIM IT Company
Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.
Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:
Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.
Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.
Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.
Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.
Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.
Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.
Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.
Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.
-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, Pantawid ng Pag-ibig, public service, coronavirus public service, Taytay, Rizal, relief packs, bayanihan, TV Patrol, Bernadette Sembrano, site only