Higit P300,000 halaga ng hinihinalang shabu nasabat sa Navotas, Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2020 06:01 AM

MAYNILA - Nasabat ng mga awtoridad ang higit P200,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Road10 sa Barangay NBBN, Navotas nitong Martes ng gabi.

Batay sa paunang ulat ng Navotas City Police, arestado rin sa operasyon ang suspek na si "Ronnie Kalbo," 50-anyos na welder na residente ng Caloocan.

Nakipagtransaksyon ang poseur buyer ng pulisya para sa isang sachet ng ilegal na droga, maghahatinggabi na, at nang maaresto ang suspek ay nakumpiska ang 30 sachet ng kontrabando na may bigat na 32 gramo.

Samantala, nasa P102,000 halaga ng ilegal na droga din ang nakumpiska ng pulisya sa Caloocan ng Miyerkoles ng madaling araw.

--Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.