Higit P3-M halaga ng kontrabando mula China nasabat sa Port of Manila

Johnson Manabat, ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2020 11:50 PM

MAYNILA - Nasabat ng Bureau of Customs ang nasa P3.4 milyon na halaga ng misdeclared na mga kontrabando sa Port of Manila nitong Miyerkoles.

Ayon sa BOC, idineklarang pastry at tissue ang mga kontrabando na nadiskubreng mga imported na sigarilyo pala at “ukay-ukay.”

Sa record ng BOC, galing sa China ang mga ito at dumating sa bansa noong June 23 at 27, 2020.

Naka-consign ang shipment sa Real Mart at Bayford Marketing.

Sa inisyal na report, idineklara ng Real Mart ang shipment bilang frozen chimei pastry bun.

Nagdeklara naman ng kanilang shipment ang Bayford Marketing bilang mga knapsack bags, tissues, wearing apparel, auto parts at hand tools pero nadiskubreng mga sigarilyo ito at ukay-ukay.

Ayon sa BOC, tinatayang nagkakahalaga ng P1.4 milyon ang mga “ukay-ukay” at P2 milyon naman ang mga imported na sigarilyo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.