Barangay tanod nahulihan umano ng shabu sa Sampaloc, Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2020 06:00 AM

MAYNILA - Timbog ang isang 27-anyos na barangay tanod matapos umano siyang mahulihan ng hinihinalang shabu malapit sa riles ng PNR sa Sampaloc, Maynila nitong Martes.

Kinilala ang suspek na si Terencio Palo, na barangay tanod sa Barangay 422

Nirespondehan ng pulisya ang impormasyon na may dalang shabu ang suspek.

Kumpiskado ng mga awtoridad ang bitbit niyang hinihinalang shabu na may bigat na kalahating gramo at aabot sa P2,000 ang halaga.

Nasa kustodiya na ng Sampaloc Police ang barangay tanod na tumanggi nang magbigay ng pahayag.

Possession of Dangerous Drugs sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2012 ang kasong isasampa laban kay Palo.--Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.