151 coronavirus patients sa Las Piñas, gumaling na

ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2020 10:17 PM

MAYNILA - Nasa 151 na coronavirus patients ang gumaling na halos sabay-sabay sa Las Piñas City nitong Miyerkoles, ayon sa mga lokal na opisyal.

Dahil sa mga bagong recovery, may 654 recoveries na ang naitala ng lungsod, batay sa ulat ng Las Piñas City Health Office (LPCHO).

Ayon kay Las Piñas Mayor Imelda Aguilar, nagmula ang mga nakarekober sa 20 barangay sa lungsod,

Sa pinakahuling tala ng Las Piñas, 999 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod. Nasa 654 rito ang gumaling o nakarekober na habang 53 ang nasawi.

Nasa 292 ang kasalukuyang active cases sa Las Piñas.--Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.