Suspek arestado sa pamamaril sa barangay chairman sa Cavite

ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2019 12:00 PM

MAYNILA - Arestado nitong Lunes ang suspek sa pamamaril sa isang barangay chairman sa Cavite noong Linggo.

Ayon sa Dasmariñas Police, kasong frustrated murder ang isasampa laban sa suspek matapos barilin si San Agustin Uno barangay chairman Edwin Cuevas Robles.

Patuloy na ginagamot sa ospital ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa iba't ibang parte ng katawan.

Nag-ugat ang krimen sa gitna ng cleanup drive sa creek ng barangay.

--Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.