P150-K halaga ng droga nasamsam sa dating preso sa Davao City

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2019 07:26 AM

DAVAO CITY -- Balik-kulungan ang isang lalaki matapos mahulihan ng 12 sachet ng shabu na may halagang P150,000 sa lungsod na ito, Lunes ng madaling araw.

Mismong ang pamilya ni alyas Roy ang nagsumbong sa pulisya tungkol sa mga ilegal na gawain nito.

Inamin ng suspek na gumagamit pa rin ito ng ilegal na droga kahit galing na sa kulungan dahil hindi umano nito matanggal sa sistema.

Noong Oktubre lamang nakalabas ng kulungan si alyas Roy matapos ang 5 taong pagkabilanggo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.