Commercial area sa Quezon City, nasunog

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2019 12:37 AM

MAYNILA - Tinupok ng apoy ang isang palapag na commercial area sa Panay Avenue, Barangay South Triangle, Quezon City Linggo ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, pasado alas-10 ng gabi nang sumiklab ang apoy sa Isla Bar and Grill Restaurant.

Itinaas ang sunog sa unang alarma alas-11:02 p.m. at tuluyang naapula alas-11:31.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Inaalam pa ang sanhi ng pagsiklab ng apoy.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.