7 nasagip matapos ma-stranded sa Mt. Mariveles

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2019 10:53 AM

MAYNILA - Nailigtas at nakauwi na ang 7 hiker na na-stranded sa Mt. Mariveles, Bataan noong Linggo.

Ayon kay Pilar Mayor Charlie Pizarro, umakyat sa bundok ang 5 lalaki at 2 babae Linggo ng umaga subalit dahil sa malakas na ulan ay hindi na sila nakababa.

Isa sa kanila ang nakatawag ng tulong sa mga awtoridad.

Nagkasa ng rescue operations ang Bataan Police, Metro Bataan Development Authority, militar, at mga barangay malapit sa bundok at nasagip ang 7 Linggo ng gabi.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.