Tricycle driver na umihi sa kalsada, tiklo matapos mahulihan ng patalim

ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2018 09:07 AM

MANILA - Arestado ang isang tricycle driver matapos mahulihan ng patalim sa bahagi ng Roxas Blvd. service road Pasay City.

Batay sa paunang ulat ng pulisya ng Pasay, nagsasagawa sila ng anti-criminality campaign nang mapansin ang tricycle driver na umiihi sa gilid ng kalsada sa may Williams St.

Nang hulihin at kinapkapan ang lalaki ay may nakuha pa sa kaniya na isang kutsilyo. 

Mahaharap ang suspek sa kasong illegal possesion of bladed weapon at urinating in public.

- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.