Konduktor, arestado sa tangkang pagsuhol sa pulis sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2018 08:50 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Arestado ang isang konduktor ng bus matapos magtangkang manuhol sa isang pulis sa Makati City noong Hulyo 28.

Nahuli muna ang bus matapos nitong ilegal na magpasakay ng pasahero sa bahagi ng EDSA-Guadalupe kung saan pinagbabawal magpasakay o magbaba ng pasahero.

Para makalusot, inipit umano ng konduktor na si alyas Marlon ang P200 sa lisensiya ng kaniyang driver, at balak itong ibigay sa nang-arestong pulis.

Kaya lang ay hindi ito umubra sa mga awtoridad.

Aminado ang suspek sa nagawa niya. Dagdag niya, madalas daw nila itong gawin dati.

"Pagsisisi ko nga rin po na bakit ko ginawa 'yun. Humantong pa sa ganito," aniya.

Corruption of public officer at bribery ang ikakaso sa konduktor.

Balak din daw magbago ng driver matapos niyang makapagpiyansa.

Hinikayat ng Philippine National Police ang ibang bus driver at konduktor na mas maging tapat sa kanilang serbisyo.

-- Ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.