PatrolPH

Aquino tila nagpasaring tungkol sa karapatang pantao

ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2018 10:08 PM | Updated as of Jul 30 2019 04:18 PM

Watch more on iWantTFC

Tila may pasaring si dating Pangulong Benigno Aquino III tungkol sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa karapatang pantao.

"Puwede bang paghiwalayin [ang human rights at human lives], puwede bang wala kang karapatan? Universal nga eh, maski saang parte ng mundo," ani Aquino.

Sa ikatlong State of the Nation (SONA) ni Duterte, tila pinaghiwalay ng Pangulo ang "human rights" at "human lives." 

"Your concern is human rights, mine is human lives," saad ni Duterte.

Parangal kay Sen. Leila de Lima

Kabilang din si Aquino sa mga dumalo sa paggawad ng parangal sa nakadetene na si Sen. Leila de Lima.

Ginawaran si De Lima ng Prize for Freedom award mula sa Liberal International para sa kontribusyon nito sa pagtaguyod ng karapatang pantao.

"Senator Leila de Lima, you receive this prize for speaking truth to power," ani Juli Minoves, pangulo ng Liberal International. 

Tinanggap ng pamilya ni De Lima ang parangal para sa nakakulong na senadora.

Unang ipinagkaloob ang nasabing pagkilala kay dating Pangulong Corazon Aquino noong 1987.

-- Ulat ni Abner Mercado, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.