Aktibong pulis, nahulihan ng 'droga' sa Maynila

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2018 07:56 AM | Updated as of Jul 29 2018 08:05 AM

MANILA - Sa kulungan ang bagsak ng isang pulis makaraang mahulihan ng iligal na droga sa may Interior Osorio St., Tondo Maynila.

Kinilala ang naaresto na si PO1 Reygie Celso, na nakatalaga sa District Mobile Force Battalion ng Southern police district. 

Batay sa paunang ulat ng Raxabago Police Station nagsasagawa sila ng Anti Criminality Campaign nang mapansin ang naturang suspek na nasa kalsada. 

Nang lapitan at kapkapan ay nahulihan ang suspek ng isang sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.