8 mangingisdang nanghuhuli ng seahorse sa Negros Occidental, arestado

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2018 04:35 PM | Updated as of Jul 29 2018 07:42 PM

MANAPLA, Negros Occidental - Arestado ang 8 lokal na mangingisda nang mabuko nitong Biyernes ang kanilang panghuhuli ng mga seahorse sa karagatang sakop ng bayang ito.

Nagpapatrulya ang mga awtoridad nang makita nila ang dalawang bangka ng mga mangingisda. Nang akyatin at inespeksiyunin ang huli ng mga ito, nakita nila ang 41 seahorse.

Dinala sa presinto ang mga mangingisda at kinumpsika naman ang kanilang mga huli, bangka at kagamitan. Aminado sila sa panghuhuli ng seahorse na ibinebenta nila sa mga karatig bayan.

Ipinagbabawal sa Philippine Fisheries Code of 1998 ang panghuhli ng rare, threatened at endangered species, pagdidiin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.