14 sa 23 pugante sa Bacoor jailbreak, naibalik na sa kulungan

ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2018 07:51 PM

Naibalik na sa kulungan ang 14 sa 23 pugante na tumakas ng Bacoor City Police Custodial Center nitong Biyernes.

Matatandaang tumakas sa kulungan ang 23 pugante ng custodial center nitong Hulyo 27 matapos tiyumempo ang mga inmate habang binubuksan ng isang jailer ang kanilang selda.

Sangkot sa kasong iligal na droga, pagnanakaw, at frustrated homicide ang mga puganteng at large pa rin hanggang ngayon.

Muling umapela ng tulong si Superintendent Vincente Cabatingan ng Bacoor City police sa publiko para maaresto ang iba pang nakatakas.

Samantala, sinibak na sa puwesto ang supervisor at dalawang jail guard ng custodial center matapos ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.