1 lalaki, patay sa engkwentro sa Maynila

Kevin Manalo, ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2017 08:32 AM

MANILA - Patay sa engkwentro sa mga pulis ang isa sa dalawang hinihinalang salarin sa sunod-sunod na insidente ng pamamaril sa Sampaloc, Maynila, Sabado ng madaling araw.

Kasalukuyang pinaghahanap ng mga pulis ang kasama nito na nakatakas.

Ayon kay Senior Inspector Dondon Maribbay, commander ng Gulod Police Community Precinct, nakatanggap sila ng impormasyon na may dalawang lalaking gumagala sa may Barangay 570.

Pumunta sa lugar ang mga otoridad para alamin kung ano ang layon ng mga lalaki sa lugar nang bigla sila umanong paputukan ng dalawa.

Wala pang pagkakakilanlan ang dalawa, kaya't susuriin umano ng mga otoridad ang kuha ng mga closed circuit television (CCTV) camera sa barangay upang malaman kung sila nga ang mga salarin sa mga pamamaril.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.