Duterte, naghanda para sa mga informal settler

Vina Araneta-Pilapil, ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2016 05:11 AM | Updated as of Jul 30 2016 03:48 PM

Dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa party na inihanda niya para sa mga informal settlers ng Barangay 76-A, Davao City, Biyernes ng gabi.

Mahigit 200 informal settlers ang imbitado. Karamihan sa mga dumalo ay mga babae at mga bata.

Nangako si Duterte na sisikapin niyang mabigyan ng relokasyon ang mga informal settlers.

Sabi niya, bibigyan niya ng tag-iisang lupa ang bawat pamilya. 

Ipinaliwanag din ni Duterte sa mga informal settlers ang kahalagahan ng family planning para mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya. Ayon kay Duterte, dalawa hanggang tatlong anak lang ang dapat. 

Nakagawian na ni Duterte ang magpakain sa mga informal settlers sa Davao. Ngayon lang siya nagkaroon muli ng panahon ngayong siya ay Pangulo na. 

Matapos ang handaan, agad dumiretso sa paborito nyang karaoke bar si Duterte para makipagkita sa mga kaklase sa San Beda College.