PatrolPH

Kagubatan sa bayan ng Southern Leyte apektado ng wildfire

ABS-CBN News

Posted at Jul 28 2021 04:54 PM

Kagubatan sa bayan ng Southern Leyte apektado ng wildfire 1
Larawan mula kay Alfie Almine Cruzada.

Apektado ng malaking wildfire ang kagubatan sa bayan ng Silago, Southern Leyte ngayong Miyerkoles.

Para maapula ang apoy, nagtulong-tulong na ang Fire Station ng Silago at katabing bayan ng Hinunangan. Tumulong din ang Barangay Volunteer Fire Brigades.

Video mula kay Alfie Almine Cruzada.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Managament Officer ng Silago, Southern Leyte na si Alfie Almine Cruzada, posibleng nagsimula ang wildfire noon pang nakaraang linggo pero dahil hirap ang mga awtoridad na maabot ito, Miyerkoles na ito narespondehan ng mga bombero.

Dagdag pa ni Almine, sa tuwing buwan ng Hulyo hanggang Setyembre, madalas ang nangyayaring wildfire sa kanilang lugar.

Ang sobrang init umano nitong mga nakaraang araw na dinagdagan pa ng hanging habagat ang nagpalala sa sitwasyon.

Maliban sa mga nasunog na mga punong-kahoy na nagsisilbing tirahan nga mga ibon at iba pang mga hayop, nasunog din ang fiber optic cable ng PLDT.

—Ulat ni Sharon Evite

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.