PatrolPH

COVID-19 patients inilikas matapos masunog ang paaralan malapit sa ospital sa Butuan

ABS-CBN News

Posted at Jul 28 2021 12:16 AM

COVID-19 patients inilikas matapos masunog ang paaralan malapit sa ospital sa Butuan 1
Kuha ni Carl Matthew Garcia

Isang pribadong paaralan ang naabo sa isang sunog Butuan City, Martes ng gabi.

Agad nirespondehan ng mga bumbero mula sa BFP Central Station, Ampayon Substation, Chinese fire truck, at CDRRMO firetrucks ang paaralan na malapit sa MJ Santos Hospital at isang hotel.

Dahil sa lakas ng sunog, rumesponde na rin ang mga firetruck mula sa karatig-bayan at sa mga pribadong kumpanya.

Inilikas ng mga staff ang mga pasyente ng MJ Santos Hospital para sa kanilang kaligtasan. Sa ngayon, pansamantalang nasa FSUU gym ang mga pasyente pero siniguro ng pamunuan ng hospital na hindi naghalo-halo ang mga non-COVID at COVID patients. 

Bukod sa mga pasyente, nagtulungan din ang mga tao na mapalayo ang mga oxygen at iba pang gamit ng ospital.

Ayon kay BFP Regional Director Senior Supt. Fred Trajeras, aabot sa 14 na firetrucks ang rumesponde sa sunog. Hindi pa matiyak sa ngayon ang dahilan at kung saan nagsimula sa paaralan ang sunog. 

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Butuan BFP sa insidente.

—Ulat ni Lorilly Charmane Awitan

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.