PatrolPH

Bangketa sa Baguio gumuho, nagdulot ng power interruption

ABS-CBN News

Posted at Jul 28 2021 03:22 PM

Bangketa sa Baguio gumuho, nagdulot ng power interruption 1
Gumuho ang bahagi ng bangketa ng Leonard Wood Road sa Baguio City, Hulyo 28, 2021. Contributed photo

Gumuho nitong umaga ng Miyerkoles ang bangketa sa isang kalsada sa Baguio City bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan.

Dahil sa pagguho sa may Leonard Wood Road, nabagsakan ng puno ang mga linya ng kuryente kaya nakaranas ng power interruption ang ilang lugar sa lungsod.

Nauna nang sinabi ng PAGASA na magpapatuloy ang pag-ulan sa ilang lugar sa bansa ngayong linggo dahil sa hanging habagat.

Kinansela na rin ngayong Miyerkoles ni Baguio Mayor Benjamin Magalong ang trabaho sa mga pampublikong opisina dahil sa masamang panahon.

— Ulat ni Mae Cornes

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.