Pulis patay sa pananambang sa Las Piñas

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Jul 28 2020 10:58 AM | Updated as of Jul 29 2020 07:44 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin sa Las Piñas City, Martes ng umaga.

Hindi muna pinangalanan ng pulisya ang kabaro nilang biktima na mula sa Southern Police District habang ipinapaalam pa sa pamilya ang kaniyang pagkamatay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Las Piñas City Police, sakay ng motorsiklo ang biktima pauwi na sa bahay nang paulanan ng bala ng dalawang hindi pa nakikilang salarin sa bahagi ng Villareal Street, Manuyo Uno.

Naisugod pa ng ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival dahil sa tama ng mga bala ng baril sa katawan.

Patuloy ang imbestigasyon sa krimen.