'Pantawid ng Pag-ibig': 2,000 senior citizens sa Valenzuela binigyan ng relief packs

ABS-CBN News

Posted at Jul 28 2020 09:06 PM | Updated as of Jul 28 2020 09:07 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Hindi pa rin pinapayagang lumabas ang mga senior citizen sa Barangay Malanday, Valenzuela dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng may coronavirus disease (COVID-19).

Kaya senior citizens umano ang prayoridad kapag may dumating na ayuda.

"Kasi 'yong mga senior citizen natin, kalimitan wala naman kasama sa bahay... kaya gusto natin na sila malapitan natin kasi sila rin higit na nangangailangan," ani Ran Cruz, kagawad ng Barangay Malanday.

Dahil kailangang kumain araw-araw, isinasantabi ng 69 na taong gulang na pedicab driver na si Franciso Arcella ang pangamba sa COVID-19 at pinipilit pa ring makapasada paminsan-minsan.

Nasa Bulacan ang misis at anak ni Arcella kaya mag-isa lang siya ngayong namumuhay.

"Problema lang ay alang bubuhay sakin," ani Arcella.

Dahil kaunti rin ang lumalabas na tao, maliit lang din ang kitang naiuuwi ni Arcella.

"Minsan P200 na lang... talagang ganoon na lang po," aniya.

Apat na buwan naman nang natigil sa paggawa ng tsinelas ang senior citizen na si Nelia Singko.

"Ngayong lockdown, wala kami... kasi naubos na ang puhunan namin," ani Singko.

Sa ngayon, ang mga anak na lang muna ni Singko ang tumutustos sa kanilang mag-asawa.

Habang nasa bahay, libangan ni Singko ang pagtatanim ng mga halaman para kahit papaano ay mabawasan ang kalungkutang dulot ng pandemya.

Kasama sina Arcella at Singko sa 2,000 senior citizen ng Barangay Malanday na dinalhan ng relief packs ng Pantawid ng Pag-ibig, na patuloy sa pag-alalay sa mga nangangailangang Kapamilya.

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa mga sumusunod na partner sa proyekto:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me
  • PayMaya

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.