Magnitude 5.8 na lindol tumama sa Surigao del Sur

Lorilly Charmane Awitan, ABS-CBN News

Posted at Jul 28 2020 02:35 AM | Updated as of Jul 28 2020 04:13 AM

Mula sa Phivolcs website

(UPDATE) Niyanig ng magnitude 5.8 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur bandang 1:32 ng madaling umaga nitong Martes, ayon sa Phivolcs.

Sa tala ng Phivolcs, ang epicenter ng lindol ay nasa 14 kilometro hilagang-silangan ng bayan ng Bayabas, Surigao del Sur na may lalim na 65 km.

Naramdaman ang Intensity 4 sa Bislig City; Cagwait at Hinatuan, Surigao del Sur, habang Intensity 3 naman ang naransan sa Surigao City.

May instrumental intensities din sa:

  • Intensity III - Bislig, Surigao del Sur; Gingoog City, Misamis Oriental
  • Intensity II - Surigao City at Cagayan de Oro City
  • Intensity I - sa Kidapawan City, Malungon at Alabel, Sarangani; Palo, Leyte; Koronadal City; at Tupi, South Cotabato.

Naramdaman din ang pagyanig sa Agusan del Sur at Butuan City.

Inaasahan ang mga aftershock at pinsala sa istraktura, ayon sa Phivolcs.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.