P8 milyong halaga ng alahas natangay sa Laguna

ABS-CBN News

Posted at Jul 28 2019 02:15 PM

Nasa P8 milyon halaga ng alahas ang natangay nang pasukin ng 6 armadong lalaki ang isang jewelry shop sa Biñan City noong gabi ng Sabado.

Ayon kay Rebecca Empremiado, may-ari ng jewelry shop, puwersahang pinasok ng mga lalaki ang kaniyang establisimyento bandang alas-6:10 ng gabi.

Video mula kay Gil de Mata

Watch more in iWantTFC

Pinagkukuha umano ang mga naka-display ng alahas habang tinututukan ng baril si Empremiado. 

Nag-warning shot pa umano ang isa sa mga suspek bago tumakas.

Walang sariling guwardiya ang naturang jewelry shop, ayon kay Police Col. Danilo Mendoza, hepe ng Biñan police.

Patuloy ang pagsasawa ng pursuit operation sa mga suspek na malinaw na nakuhanan sa CCTV.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.