P136-K halaga ng 'shabu' nasamsam, 3 arestado sa QC buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Jul 28 2019 05:47 PM

MAYNILA — Aabot sa P136,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha sa 3 naarestong suspek sa isang buy-bust operation sa Quezon City nitong Linggo.

Ikinasa ang operasyon bandang alas-12 ng tanghali sa isang hotel sa Barangay Kamuning, ayon sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD).

Dinampot ang mga suspek matapos nilang betahan ang isang pulis na nagpanggap na bibili ng droga.

Narekober sa mga suspek ang 11 sachet ng hininihinalang shabu na may timbang na 20 gramo, 2 cellphone, isang digitial weighing scale, at ang buy-bust money, ayon sa QCPD.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —Ulat ni Jaehwa Bernardo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.