4 patay matapos masunog ang isang gusali sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jul 28 2019 12:44 PM | Updated as of Jul 28 2019 06:15 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Apat ang patay matapos masunog ang kanilang tinitirhang gusali sa Pasong Tamo, Quezon City nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang 2 sa mga biktima na sina Christine Villaverde, 27, at Sierna Canlas, 38.

Isinugod pa sa ospital ang 2 babae ngunit binawian din ng buhay.

Ayon kay Fire Chief Insp. Joseph Del Mundo nagtamo ng second degree burn si Canlas habang nasunog din ang balat ni Villaverde

Nananatili naman sa ospital ang isa pang lalaking nagtamo ng second degree burn.

Isang kandila na naiwang nakasindi umano ang posibleng pinagmulan ng sunog dahil wala umanong suplay ng kuryente ang mga nakatira sa ikaapat na palapag ng gusali.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog habang nasa P50,000 ang tinatayang halaga ng pinsalang dulot nito.

- ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.