Napatay noong umaga ng Linggo ang isang nurse at midwife sa aksidenteng kinasangkutan ng sinasakyan nilang ambulansiya sa bayan ng Ocampo, Camarines Sur.
Pasado alas-7 ng umaga nang bumangga ang ambulansiya sa puno, poste at palikurang gawa sa semento sa may Fuentebella Highway, Barangay Ayugan. Sa lakas ng pagkakabangga ay nabuwal ang palikuran.
Galing sa rural health unit ng Ocampo ang ambulansiya at magdadala sana ng manganganak na pasyente sa ospital sa Naga City.
Sugatan naman ang kasamahan ng buntis at driver ng ambulansiya.
Tumilapon din, ayon sa ilang testigo, ang buntis nang mangyari ang aksidente.
Nasa kritikal ang kondisyon ng sanggol na ipinanganak ng buntis, ayon sa kaanak ng buntis.
Iniimbestigahan na ng Ocampo police ang insidente. -- Ulat ni Mylce Mella, ABS-CBN news
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, aksidente, road accident, ambulance, Ocampo, Camarines Sur, buntis, rehiyon, TV Patrol, Mylce Mella