Kasambahay sa Pasig nahulihan ng 74 na sachet ng shabu

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Jul 28 2018 11:12 AM | Updated as of Oct 27 2019 06:34 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA - Arestado ang isang kasambahay matapos makuha ng mga awtoridad ang 74 sachet ng shabu, baril at mga bala sa loob ng kaniyang tinutuluyang bahay sa Pasig, Biyernes.

Sa bisa ng isang search warrant, siniyasat ng mga pulis ang bahay ng suspek na si alyas Anna Lisa at tumambad sa kanila ang ipinagbabawal na droga, isang kalibre .45 na baril, mga bala at 2 granada.

Ayon sa pulis, kasama ang suspek sa drug watch list ng lungsod dahil kilala ito bilang tulak ng droga sa lugar.

Kakasuhan ang suspek ng illegal possesion of firearms, illegal possesion of explosives at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.