Ilang bayan sa Occidental Mindoro lubog pa rin sa baha

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Jul 28 2018 01:22 PM | Updated as of Jul 28 2018 08:37 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

SABLAYAN, Occidental Mindoro - Nagsisimula na namang bahain ang ilang bahagi ng bayan, Sabado, dahil sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan simula Biyernes ng gabi.

Hirap makadaan ang mga sasakyan sa highway sa barangay Buenavista.

Binabantayan na rin ang mga ilog dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig.

Pansamantala namang pinutol ang supply ng kuryente dito sa bayan upang maiwasan ang insidente ng pagkakuryente.

Isa ang Occidental Mindoro sa pinakanapinsala ng sunod-sunod na hagupit ng mga bagyo sa bansa.

Nasa 4 na ang naitalang nasawi habang tinatayang aabot sa P170 milyon ang halaga ng mga nasirang imprastraktura dahil sa mga pag-ulan at pagbaha sa probinsiya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.