23 barangay sa Dagupan lubog sa baha

Joanna Tacason, ABS-CBN News

Posted at Jul 28 2018 01:31 PM

DAGUPAN, Pangasinan - Hindi bababa sa 200 pamilya ang lumikas matapos bahain ang 23 barangay dito, Sabado.

Ayon sa mga awtoridad, bumaha sa ilang bahagi ng lungsod dahil sa patuloy na pag-agos ng tubig mula sa mga bayan ng Sta. Barbara at Calasiao na sinabayan pa ng high tide.

Ayon sa Dagupan City Schools Division, kung hindi huhupa ang baha ay hindi muna magkakaroon ng klase sa darating na Lunes dahil karamihan sa mga paaralan dito sa lungsod ay lubog pa sa baha, habang ang iba naman ay nagsisilbing mga evacuation center.

Bukod sa Dagupan City, apektado rin ng pagbaha ang mga bayan ng Calasiao, Sta. Barbara, Lingayen, Bayambang, at San Carlos.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.