2 pang pugante mula Bacoor jail, balik-kulungan na

ABS-CBN News

Posted at Jul 28 2018 03:56 PM | Updated as of Jul 28 2018 10:12 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

(UPDATE) Umakyat na sa 10 na preso ang naibalik sa Bacoor City Custodial Center matapos matagpuan ng pulisya ang dalawa pa sa mga pumuga nitong Sabado.

Natagpuan ang ika-10 bilanggo sa Cavite City.

Samantala, nakita ang ika-9 na bilanggo sa Las Piñas City, ayon kay Supt. Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor police. 

Ayon kay Senior Supt. William Segun, Provincial Director ng Cavite Police, nang mag-headcount, nadiskubre rin na 23 na preso pala ang nakatakas, taliwas sa 22 na unang naianunsyo kahapon. 

Patuloy ang isinasagawang manhunt operations para mahuli ang iba pang nakatakas na preso.

Inilabas na rin ng Cavite police ang mugshots ng mga nakatakas na preso at inabisuhan ang publiko na ipagbigay-alam agad sa kanila kung mayroong impormasyon ukol sa mga pugante. —May ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.