15 pamilya, apektado ng sunog sa Navotas

ABS-CBN News

Posted at Jul 28 2018 11:00 PM

Nasa 15 pamilya ang apektado matapos masunog ang isang apartment sa Barangay San Jose, Navotas nitong hapon ng Sabado.

Ayon kay Fire Officer 2 Arbie Locahin, nagsimula sa kisame ng bahay ng isang residente ang apoy.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na nagsimula bandang alas-2 ng hapon at idineklarang fire out bandang alas-5 ng hapon.

Sugatan din ang isang bombero na nahulog mula sa bubong habang inaapula ang apoy.

Pitong unit ang nasunog sa dalawang palapag na apartment habang tinatayang nasa P300,000 ang halaga ng pinsala sa ari-arian.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.