Grocery, nasunog sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Jul 28 2017 08:18 AM

ILOILO - Nasunog ang isang supermarket sa Arevalo Street, Biyernes ng madaling araw.

Ayon sa mga bumbero, agad naapula ang sunog na nagsimula sa mga chiller na nasa loob ng pamilihan.

Walang nasaktan sa insidente ngunit iniimbestigahan pa kung aksidente o sinadyang sunugin ang grocery.

Ayon sa mga opisyal, itinatala pa ang posibleng halaga ng napinsala dahil sa sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.