Suspek sa pagpatay sa siklista, nasa Maynila?

Maan Macapagal, ABS-CBN News

Posted at Jul 28 2016 04:54 PM

July 25, 2016 –A cyclist ends up dead after being shot by a driver during a road rage incident at P. Casal Street in Quiapo, Manila last Monday. Nikon Celis, ABS-CBN News

Patuloy ang manhunt operation ng Task Force Limbas ng Highway Patrol Group kay Vhon Tanto, suspek sa isang kaso ng road rage kung saan napatay niya umano ang isang siklistang nakaalitan dahil sa gitgitan ng sasakyan.

Ayon kay PNP Highway Patrol Group Director S/Supt. Antonio Gardiola, tumutulong na ang kanilang tauhan sa Manila Police District at National Bureau of Invesigation para mas mapabilis ang paghahanap sa suspek.

Batay umano sa kanilang impormasyon matapos iwan ang kanyang sasakyan sa Aritao, Nueva Vizcaya, bumalik na ng Maynila si Tanto sakay ng isang Florida Bus.

Iniluwas na ngayon ang sasakyan para madala sa Camp Crame at masuri.

Aminado si Gardiola na masyadong malawak pa sa ngayon ang reference point nila para matunton ang suspek.

Maaari kasi aniyang hindi ito diretsong bumalik dito sa Metro Manila at pwedeng bumaba sa kung saang lugar. 

Kung biyaheng bus si Tanto, posibleng lumipat ito ng sasakyan para makapunta sa iba pang lugar. 

Nanawagan naman si Gardiola kay Tanto na sumuko na lang para pagbayaran ang kasalanan.

Road rage suspect abandons car, takes bus