2 pulis ng SPD, nagpositibo sa droga

ABS-CBN News

Posted at Jul 28 2016 03:03 PM

MANILA - Dalawang kagawad ng Southern Police District (SPD) ang nag-positibo sa confirmatory drug test.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni SPD Director Sr. Supt. Tomas Apolinario Jr. na sa anim na pulis na nagpositibo sa initial drug test, dalawa ang nakumpirmang gumagamit ng droga.

Tumanggi si Apolinario na banggitin ang pangalan ng mga pulis na nakatalaga sa Makati at Pateros.

Kasabay nito, inihayag ni Apolinario na mula Hulyo 10 hanggang Hulyo 26, nasa 399 ang mga drug user na sumuko habang 16 naman ang napapatay. -- Henry Atuelan, DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.