Higit P4 milyong halaga ng tanim na marijuana ang nasabat ng pulisya at mga tauhan ng PDEA sa raid sa isang plantation sa Asturias, Cebu, Martes ng umaga.
Ayon sa mga awtoridad, umabot sa 10,150 na mga stalk ng full-grown marijuana plants ang binunot mula sa plantation sa Purok 1, Brgy. Kaluangan bago sinunog ang mga ito.
Nasa P4,060,000 umano ang halaga ng mga nasamsam.
Isang suspek ang naaresto at itinuturong cultivator ng marijuana plantation.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa nahuling suspek.
— Ulat ni Gracie Rutao
KAUGNAY NA ULAT
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
marijuana, Asturias, Cebu, marijuana plantation site, Regional news, Tagalog news, PDEA