PatrolPH

Driver, patay matapos sumabit sa live wire dump truck sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Jul 27 2021 05:24 PM

Driver, patay matapos sumabit sa live wire dump truck sa Davao City 1
Nasunog din ang bahagi ng minamanehong dump truck ng biktima sa Toril, Davao City. Larawan mula sa Toril Police

Patay ang isang driver matapos sumabit sa live wire ang minamaneho niyang dump truck sa Velasco Compound, Purok 7, Barangay Bato, sa Toril, Davao City, Lunes ng hapon.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pinapaandar umano ni Dennis Abrangan ang dump box ng truck nang aksidenteng dumikit ito sa live wire ng Davao Light and Power Company.

Ayon sa kasama niyang si Alnie Amoro, nagmadaling bumaba si Abragan mula sa driver seat na grounded na.

Pero nang makatungtong sa lupa, naramdaman umano nito ang malakas na kuryente.

Sinubukan pa umano ni Amoro na hilahin ang biktima pero nakuryente rin siya.

Bigo rin na ma-revive ng medical responders ang biktima na agad binawian ng buhay.

Nasunog naman nang bahagya ang dump truck.

- Ulat ni Hernel Tocmo

Paalala mula sa Red Alert:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.