PatrolPH

Company manager patay sa pamamaril sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at Jul 27 2021 06:38 PM

ZAMBOANGA CITY- Patay sa pamamaril ang manager ng isang canning company sa Barangay Recodo sa Zamboanga City Lunes ng gabi. 

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, nasa loob ng kaniyang sasakyan si Zosimo Batoy, 55, at naka-park sa harap ng kaniyang tindahan nang pagbabarilin siya ng di kilalang salarin. 

Dead-on-arrival si Batoy sa ospital dahil sa tama ng bala sa iba't-ibang bahagi ng kaniyang katawan. 

Patuloy ang imbestigasyon ngayon ng mga awtoridad para alamin ang pagkakakilanlan ng salarin at motibo ng krimen.

— Ulat ni Leizel Lacastesantos

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.